Yassi, sinupalpal ang basher sa video!

Yassi, sinupalpal ang basher sa video!

August 16, 2022 @ 7:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa halip na makipagtalakan sa kanyang basher, Yassi Pressman chose to retailiate through a video.

Pagpalag ‘yon sa isang news article headlined “Yassi lumobo tiyan; lumapad balakang.”

Sa halip na mapikon, Yassi answered back with a video sa gitna ng kanyang pagwo-workout.

She referenced lyrics of Beyonce’ latest song Cozy which says, “I’m comfortable in my skin, I’m cozy with whom I am.”

Pinuntirya kasi ang kanyang weight gain.

Resbak ng 27 anyos na aktres, huwag na raw pag-aksayahan ang news article na ‘yon na wala namang pakinabang.

Sa halip ay pinromote ni Yassi ang kanyang negosyo na nagbibigay ng job opportunities sa mga kapwa Pilipino.

Kung tutuusin, pahiya kung sinuman ang sumulat ng artikulo dahil mas nagkaroon pa  nga ng hubog ang katawan ni Yassi.

On the video, maganda pa rin siyang pagmasdan kahit walang makeup at mukhang ‘di nagsuklay ng buhok. Ronnie Carrasco III