Yellow alert ikinasa ng NGCP sa Luzon grid

Yellow alert ikinasa ng NGCP sa Luzon grid

December 1, 2022 @ 1:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) nitong Huwebes ang Luzon power grid sa ilalim ng yellow alert, kasunod ng forced outage ng ilang power plants.

Sa abiso, sinabi ng NGCP na ikakasa ang yellow alert sa Luzon grid mula ala-1 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.

Nangangahulugan ang yellow alert na manipis ang reserba sa grid base sa supply at demand.

“Five power plants are on forced outage, while three others are running on derated capacities, for a total of 2,115 megawatts unavailable to the grid,” ayon sa NGCP.

Ang Luzon grid ay may available capacity na 11,166 MW kumpara sa peak demand na 10,455 MW. RNT/SA