Yellow alert sa Luzon Grid binawi ng NGCP

Yellow alert sa Luzon Grid binawi ng NGCP

June 23, 2022 @ 3:45 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Kinansela nh National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert status sa Luzon Grid na nakatakda ngayong Huwebes ng hapon, dahil mas mahina ang demand kumpara sa inasahan.

Sa isang abiso, sinabi ng NGCP na hindi na ipatutupad ang yellow alert “due to low actual system demand” hanggang nitong alas-12:25 ng tanghali.

Nauna nang ianunsyo ng NGCP ang implementasyon ng yellow alert status mula ala-1 hanggang alas-3 ng hapon ngayong araw dahil sa hindi inaasahang unavailable energy dahil sa forced outage ng ilang planta. RNT/SA