Yellow alert sa Luzon grid inalis na

Yellow alert sa Luzon grid inalis na

December 1, 2022 @ 5:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Normal na ang power supply sa Luzon grid matapos ideklara ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang yellow alert sa lugar.

Sa pinakabagong update, iniahayag ng NGCP na hanggang nitong ala-1 ng hapon, inalis na ang yellow alert dahil sa pagtaas ng generation capacity.

Nauna nang inihayag ng ahensya na nakakasa ang alert mula ala-1 ng hapon hanggang  alas-8 ng hapon ngayong araw, sa forced outage ng limang power plants, habang ang tatlo ay nag-ooperate “on derated capacities”.

Ito ang ikalawang pagkakataon ngayong linggo na idineklara ng NGCP ang yellow alert sa Luzon grid. RNT/SA