Yen Durano, naghubad, hindi nagpaalam sa ama!

Yen Durano, naghubad, hindi nagpaalam sa ama!

January 11, 2023 @ 10:30 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Ayan na! Hindi na nga nakatiis si Yen Durano dahil bumigay na siya sa pelikulang “Tag-init”. Nagpaka-daring na siya sa pelikula.

Para sa mga hindi pa nakakaalam, si Yen ay anak ng aktor na si DJ Durano.

Ayon kay Yen, hindi na raw niya kailangang magpaalam sa kanyang ama lalo’t hindi naman daw porno ang kanyang ginagawa sa Vivamax.

“Ang ginagawa ko po naman ay movie and art,” sabi pa ni Yen.

Ang “Tag-init” ay idinirihe ni Joey Reyes. Kasama rin ni Yen sa movie sina Ali Asistio, Franki Russell, Clifford Pusing at Aerol Carmelo.

Daring at sexual awakening ang tema ng pelikula. Babandera rin ang katawan ng mga Vivamax nymphets para sa mga kalalakihan.

Streaming na ang “Tag-init” sa Vivamax simula January 20. JP Ignacio