Yeng Guiao bumitiw sa NLEX

Yeng Guiao bumitiw sa NLEX

September 2, 2022 @ 12:32 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tuluyan nang naghiwalay sina Yeng Guiao at NLEX sa isang nakakagugulat na balita halos tatlong linggo bago magsimula ang PBA Commissioner’s Cup.

Ayon sa ulat, hindi nagkasundo sa mga tuntunin ng bagong kontrata na pinag-uusapan ng magkabilang panig na umano’y dahilan ng kanilang paghihiwalay sa loob ng  limang taong pagsasama na nagbunga ng dalawang semifinal stints para sa franchise.

Nagpaalam si Guiao sa buong koponan, na ikinagulat ng mga manlalaro at miyembro ng kanyang coaching staff.

Si Guiao, 63, ay nanalo ng pitong kampeonato sa mahabang karera na naglagay sa kanya sa No. 7 sa PBA all-time list. Ang kanyang huling titulo ay dumating sa Rain or Shine noong 2016 Commisioner’s Cup.

Iniwan niya ang Rain or Shine para sumali sa NLEX noong 2016 at ginawa niyang playoff contender ang Road Warriors sa kanyang five-plus years doon.

Gayunpaman, ang kanyang hangarin na gawing isang kampeon na koponan ang NLEX ay paulit-ulit na napaatras ng mga trade na nakitang nawala sa Road Warriors si Poy Erram at isang mahalagang first-round draft pick na ginamit ng TNT upang makuha ang Fil-Am sensation na si Mikey Williams, pati na rin, ang desisyon ng star player na si Kiefer Ravena na lumipat sa Japan B.League.

Nawala rin sa Road Warriors si Jericho Cruz – isang player na tinuturuan ni Guiao mula noong panahon niya sa Rain or Shine – nang magpasya ang unrestricted free agent na pumirma sa San Miguel ngayong season.

Nanatiling tahimik si Guiao na parang isang mabuting sundalo sa gitna ng lahat ng deal, ngunit ang mga source na malapit sa dating coach ng Gilas Pilipinas ay lalong nadismaya sa mga pangyayari.JC