Yorme may insentibo sa hotel, motel owners na kumanlong sa frontliners
July 23, 2020 @ 4:31 PM
8 months ago
Views:
704
Remate Online2020-07-23T18:14:42+08:00
Manila, Philippines – Bilang pasasalamat ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga may-ari at operator ng mga hotel, motel gayundin sa mga pribadong establisimyento na kumalinga sa mga medical frontliner nang walang kapalit nitong pandemya ay binigyang parangal at insentibo ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga ito.
“Since day one, wala na kayong kita. You really suffered severely as an industry. Mano pa, Manila was the first to come up with an executive order requesting each of you to help our medical frontliners to accommodate them,” ani Domagoso sa kanyang talumpati sa City Council session hall.
Bilang pasasalamat ay binigyan ni Domagoso ng tax credit certificates na nagkakahalaga ng P100,000 sa mga may-ari ng hotel, motel, inns, dormitories at apartments na tumugon at tumulong sa lokal na pamahalaan.
“Under Ordinance No. 8646, the tax credit may be applied on all forms of local business taxes, regulatory fees and services including the appropriate surcharge and penalty interests,” saad ng Manila Public Information Office.
“Pagpasensyahan n’yo po, ito lang po ang nakayanan namin, hindi man malaki, pero tiyak po magagamit n’yo po itong konting pribilehiyo o incentives sa bawat negosyo,” ani Domagoso.
Bukod sa naturang insentibo, inalok din ng alkalde sa pamunuan ng hotels at motels ang libreng pagsasailalim sa COVID-19 testing sa libo-libong kawani ng mga nabanggit na establisimyento upang magkaroon umano sila ng kapanatagan o “peace of mind” sa kalagayan ng kalusugan ng kanilang mga kawani.
Samantala, nagpasalamat naman ang pamunuan ng Sampaloc group sa tinanggap na tax incentives mula sa pamahalaang lungsod ngunit hindi muna nila ito gagamitin dahil batid nila na kailangan pa ng pondo ng Maynila dahil sa nasaid ang pondo sa kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine.
Ayon naman kay D. Edgard Cabangon, ng ALC group of companies, labis ang kanilang kagalakan sa tinanggap na karangalan at pasasalamat mula sa alkalde gayundin sa mga opisyal ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila.
Matatandaan na nag-isyu si Domagoso ng Executive Order No. 17 na nag-uutos sa mga hotel at motel sa Maynila na maglaan umano ang mga ito ng pansamantalang matutuluyan ng mga healthcare worker na nakatalaga sa nasabing lungsod.
Napag-alaman naman sa Bureau of Permits na mahigit 1,000 healthcare workers ang nabigyan ng libreng matutuluyan sa mga nabanggit na hotel at motel sa Maynila bilang pakikiisa sa inilabas na kautusan ng alkalde. Jay Reyes
March 8, 2021 @8:12 PM
Views:
82
MANILA, Philippines – Patay sa pananambang ang alkalde ng Calbayog City sa Samar at dalawang pulis, ngaypng Lunes ng hapon, Marso 8.
Kinumpirma ni Police Regional Office (PRO)-Eastern Visayas spokesperson Lieutenant Colonel Bella Rentuaya ang pagkakasawi ni Mayor Ronald Aquino, base na rin sa natanggap na inisyal na ulat,
Kinikilala pa ang pagkakakilanlan ng dalawang pulis.
Ayon sa ibinigay na inisyal na ulat na nangyari ang pananambang bandang 5 p.m. sa Barangay Lonoy, Rentuaya habang nakasakay sa van ang mga biktima.
Sa pagbabaybay sa nasabing barangay ay dito na umano pinaulanan ng bala ang sasakyan ng alkalde.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon. RNT
March 8, 2021 @8:01 PM
Views:
52
MANILA, Philippines – Tumaas ang kaso ng COVID-19 sa tatlong rehiyon, ayon sa Department of Health, ngayong Lunes.
Ayon mismo kay Health Undersecretary Leopoldo Vega na bukod sa National Capital Region ay nakaalarma rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley at Central Visayas.
“Nakaka-alarm dahil tumataas na rin ang active cases. Alam natin once tumaas ang active cases natin, tataas na rin ang rate of admission, and of course ‘yung nangangailangan ng intensive care unit at ventilator,” ani Vega.
Sa kabila nito, nasa moderate risk pa ang kapasidad ng mga ospital sa mga nasabing rehiyon, ani Vega.
Matatandaan na sa pang-apat na araw na ngayon, Marso 8, na nakapagtala ng higit 3,000 COVID-19 cases sa buong bansa.
Babala naman ng OCTA Research Group na hindi lang magiging ganito ang maitatalang kaso at posible pang umabot sa 5,000 hanggang 6,000 kada araw sa katapusan ng Marso.
Ito ay kung mabibigo ang gobyerno na mapigilan ang pagtaas ng kaso. RNT
March 8, 2021 @7:53 PM
Views:
50
MANILA, Philippines – Nag-aalok ng flight ang AirAsia sa P0.25 pamasahe para sa domestic destinations sa mga miyembro ng BIG loyalty club nito, ayon sa anunsyo ng airline sa Lunes.
Maa-avail ang P0.25 base fare sa pamamagitan ng AirAsia app o sa website nito.
Limitado naman ang seat sale sa pagbobook sa Marso 8 hanggang 10 para sa byahe mula Hune 1 hanggang Disyembre 15, ayon pa sa budget courier.
Kasama sa mga inaalok na destinasyon ang Caticlan (Boracay), Puerto Princesa, Bohol, Iloilo, Cebu, Bacolod, Iloilo, Davao, Tacloban, Zamboanga, General Santos at iba pa.
“As the demand for travel is increasing ahead of the summer months, AirAsia wishes to keep the momentum by providing low fares beyond the season,” ani AirAsia Spokesperson Steve Dailisan. RNT
March 8, 2021 @7:45 PM
Views:
63
MANILA, Philippines — Kulong ang isang dating pulis na sinasabing “notoryus” na hired assassin sa pagbabalik-Pinas nito ngayong Lunes matapos ang ilang taong pagtatago sa ibang bansa.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruben Baliong, wanted sa apat na kaso ng pagpatay na nagtago sa Abu Dhabi.
Imbes na kapamilya ang sumundo kay Baliong sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Lunes, mga pulis ang kumaway at bumibit sa suspek.
Nagtrabaho umano bilang security officer simula Enero 2019 sa Abu Dhabi si Baliong at doon na rin naaresto sa pinagsanib na pwersa ng Abu Dhabi Police, Interpol, at National Bureau of Investigation.
Iginiit naman ng suspek na hindi totoo ang mga binibintang sa kanya at pawing sel-defense lamang ang nangyari. RNT
March 8, 2021 @7:36 PM
Views:
65
MANILA, Philippines – Hindi na kayang bumalik ng Pilipinas sa “stricter quarantine levels” o enhanced community quarantine sa kabila ng pagtaas ng COVID-19 cases.
Sa Metro Manila, nakapagtala ito ng 1,025 new daily cases sa nakalipas na 7 araw, tumaas ng 42% mula sa nakalipas na linggo at 130% kumpara sa nakalipas na 2 linggo, ayon sa OCTA Research group.
Ang impeksyon ay mabilis na kumakalat kumpara noong “July-August surge,” ng nakalipas na taon, nang ang national capital region (NCR) ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na third strictest sa apat na lockdown levels.
At nang tanungin si Sec. Roque kung ang Metro Manila ay ibabalik sa ECQ, ang naging sagot ni Sec. Roque ay “For the month of March, I don’t think it is called for.”
“About 65 percent of isolation beds and 75 percent of ward beds are available,” ani Sec. Roque.
“Sabihin na nating dumami ang kaso pero nakikita naman natin, handa tayong gamutin iyong mga seryosong magkakasakit, na 2 to 3 percent ng mga magkakasakit,” aniya pa rin.
Sa ulat, ipinag-utos sa mga lokal na pamahalaan na palakasin ang contact-tracing, facility-based quarantine at localized lockdowns sa mga lugar na may case clustering.
“Sa totoo lang po, hindi na po natin kaya na mag-lock down ng ating ekonomiya. Napakadami na pong nagugutom. So ang ating panawagan: Pangalagaan po natin ang ating mga sarili para tayo po ay makapag-hanapbuhay,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Sa mag-iisang taon na quarantine sa bansa ay napatigil nito ang pagkalat ng COVID-19, naging dahilan naman para labis na mahirapan ang mga negosyante at milyong filipino ang nawalan ng trabaho.
“Tingin ko, this surge is actually due to a drop in compliance which we can fix, and also, an increase in the mobility. Dyan natin kailangan ibalanse,” ang pahayag naman ni dating Health secretary Manuel Dayrit.
“Minimum health standards plus accelerated vaccination, I think, is the way to go,” aniya pa rin. Kris Jose