Yorme: Mga atat maging Presidente, natatalo

Yorme: Mga atat maging Presidente, natatalo

September 9, 2020 @ 7:39 PM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nakatutok ito na labanan ang kinakaharap na pandemya dulot ng COVID-19 at wala pa sa kanyang plano ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa darating na 2022 National Election.

Ito ang pahayag ni Domagoso sa ginanap na online forum ngayong araw kung saan mariin din nitong itinanggi na may kumukuha sa kanyang partido upang tumakbo bilang Bise Presidente sa 2022.

“May pandemya ngayon eh. Hindi ba dapat ang focus namin eh tutukan itong pandemya. Ako I would rather focus on this. For now, let me do my job. I owe it to the people of Manila. I owe them a lot,” ani Domagoso.

Bukod dito, iginiit din ni Domagoso na lahat ng mga opisyal sa gobyerno, elected man o itinalaga ay pangarap ang maging Pangulo ng bansa.

“I have to be honest. Alam mo lalahatin ko, simula kagawad ng barangay, kagawad ng LGU o konsehal, vice mayor, mayor, governor, congressman, lahat ‘yan gusto maging Presidente,” ani Domagoso.

Ayon pa sa Alkalde, “destiny” umano ang pagiging Presidente ng bansa.

“Lahat ng nagplano niyan, natalo. Lalo na ‘yung mga naging atat, natalo rin. Kusang dumadating ‘yan atsaka tao ang nagbibigay diyan,” paliwanag pa ni Domagoso. Jay Reyes


  •  
  •  
  •