YOU CAN’T PUT GOOD LEADERS DOWN

YOU CAN’T PUT GOOD LEADERS DOWN

May 12, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


Natapos na ang halalan kaya makahihinga na tayo sa mga kantiyawan, siraan, batuhan ng putik at kung minsan pisikal na sakitan ng mga magkakatunggaling politiko na nagsitakbo sa nakaraang May 9 election.

Pero sa tagal ng kalakaran sa paggamit ng black propaganda bilang paraan ng kampanya tuwing election, natuto na ang electorate kaya pinili nila ang mga kandidatong batid nilang biktima lamang ng paninira.

Sa totoo lang, maraming bugok na politiko, pero naniniwala ako na mas marami ang magagaling at tunay na nagsisilbi na para matalo ay nagiging target ng paninira ng mga tusong karibal.

Pinagagana ang paninira sa pamamagitan ng gawa-gawang akusasyon, gamit ang tri-media (TV, radio, dyario) at ngayo’y ang social media  sa pamamagitan ng FB, twitter atbpa.

Halimbawa ng matitinding paninira nito lamang nakaraang election ang naranasan ng mag-amang Caloocan City Mayor  Oscar ‘Oca’ Malapitan at anak na si 1st district Representartive Dale ‘Along’ Malapitan.

Katatapos lang ng May 2019 election, nagsimula na ang black propaganda laban kina  Mayor Oca at Cong. Along na hanggang sa sinusulat natin ito ay may manaka-naka pa raw na paninira.

Mantakin mo, mula May 2019,  kung ano-ano ang iniisyu sa mga Malapitan pero wa-epek dahil imbes na kamuhian, lalong minahal ng Caloocanians ang Malapitans.

Resulta – si Mayor Oca na nakatapos na ng tatlong termino bilang alkalde ay muling nahalal ngunit bilang representante ng unang distrito kapalit ni Cong Along na nahalal namang punong-lungsod.

Hindi nakayang sapawan ng black propaganda o paninira ang ipinakitang magaling na pamumuno ng mag-ama na parehong itinutu­ring na ‘arkitekto’ sa malaking ipinagbago at pag-unlad ng Caloocan.

Malinaw sa tao na kaya nagkaroon nag Caloocan ng modernong City hall, mga ospital, eskuwelahang pang-kolehiyo at elementarya, coliseum, maayos na kalsada at iba pang kaaya-ayang proyekto ay dahil sa magaling na pamumuno ng mag-ama.

zAng muling paghahalal sa mga Malapitan ay patunay na nais ng mga Caloocanian na ipagpatuloy ng mag-ama ang kanilang ‘tested and proven’ nang serbisyo-publiko.

Ganno man katindi ang  paninira, may kasabihan na “You can’t put good leaders down”.