“Youngblood” ng 5 Seconds of Summer, naungusan sina Beyonce at Jay-Z

“Youngblood” ng 5 Seconds of Summer, naungusan sina Beyonce at Jay-Z

June 25, 2018 @ 4:04 PM 4 years ago


New York – Kinabog ng Australian pop band na 5 Seconds of Summer ang ‘Everything Is Love’ ng singers royalty couple na sina Beyonce at Jay-Z sa top spot ng US album chart.

Pinatalsik lang naman ng grupong 5SoS ang collab ng mag-asawa sa ibang level na promotion ng fans ng grupo sa kanilang album na “Youngblood”.

Aabot na kasi sa 142,000 copies ang nabenta nila maging sa online streams at downloads, at inungusan ang 123,000 copies na record ng “Everything Is Love” ayon sa tracking service Nielsen Music.

Ang 5 Seconds of Summer ay nakilala noon sa Youtube taong 2011 matapos na i-upload ng mga estudyante sa Sydney ang kanilang mga cover ng mga sikat na kanta hanggang sa maging unang Australian artist na mag-top sa Billboard 200.

Habang ang “Everything Is Love” naman nina Jay-Z and Beyonce, na kanilang inilabas noong June 16 ay ang kanilang musical celebration ng kanilang paggiging mag-asawa. (Remate News Team