YOUNHA may bagong digital single!

YOUNHA may bagong digital single!

June 27, 2022 @ 12:45 PM 1 month ago


SEOUL, South Korea – May aabangan na naman ang mga fans ng legendary Korean artist na si YOUNHA.

Ito ay makaraang ianunsyo ng kanyang record label na C9 Entertainment na siya ay maglalabas ng bagong awitin ngayong linggo.

Sa pamamagitan ng isang teaser image, inihayag na sa Huwebes, Hunyo 30 ay nakatakdang ilabas ang new digital single ni YOUNHA.

Batay sa impormasyon, ang awitin na ilalabas niya ay recreation song mula sa Epik High na orihinal na inilabas noong nakaraang taon, ang ‘Rain Song’.

Kung matatandaan, nagsimula ang career ni YOUNHA noon pang 2004 at siya ang nasa likod ng mga awiting ginamit sa mga sikat na Korean drama mula pa noon. RNT/JGC