YouTube channel, nasibak; Sharon, nagbunyi!

YouTube channel, nasibak; Sharon, nagbunyi!

February 1, 2022 @ 12:12 PM 8 months ago


Manila, Philippines – It will be remembered na noong July 2021 ay magkasamang inireklamo ng mag-sawang senator Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta ang dalawang YouTube channel ng kasong cyberlibel.

Tinatayang mga ilehitimo o fly-by-night showbiz websites ‘yon na nagkakalat ng mga balitang wala namang basehan o fake news.

Inireport nga ng ABS-CBN online that these two YT channels were taken down makaraang aksyunan ng YouTube mismo at Google.

In particular, inalmahan ng Pangilinan couple ang ulat nitong sinasaktan daw ng senador ang Megastar dahil nangangaliwa ito.

Ito ‘yung kasagsagang tumungo ng Amerika si Sharon para itago umano ang kanyang pregnant condition, bagay na mariin niyang itinanggi.

Truth be told, ‘yun ‘yong time that the singer-actress needed space for herself sa gitna ng kanyang mga pinagdadaanan.

In fairness, wala ni isang entity na kabilang sa mainstream media ang pumatol o nagreport ng mga baseless news tungkol kay Sharon.

Halata naman kasing nag-resort sa fake news ang dalawang tinanggal na YT channels para mang-akit ng views o subscribers at the expense of truth in reporting. Ronnie Carrasco III