YouTube channel ni Sandara, pumalo sa 1M subs!

YouTube channel ni Sandara, pumalo sa 1M subs!

November 24, 2020 @ 8:08 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea – Pumalo na sa isang milyon ang subscribers ni Sandara Park sa YouTube channel n’yang ‘Dara TV.’

Matindi pa rin ang kasikatan ng dating miyembro ng sumikat na 2NE1 all-girl K-pop band. Pero sa Pilipinas unang sumikat si Sandara bilang Kapamilya star na nadiskubre sa reality show na Star Circle Quest.

Nakatakdang pagkalooban ng YouTube si Sandara ng Gold YouTube Play Button bilang recognition sa pagtatamo n’ya ng isang milyong followers. Nu’ng 2017 pa sinimulan ni Sandara ang ‘Dara TV.’

Ang pagba-vlog ay isa lang sa mga pinagkakaabalahan ni Sandara na napabalita sa South Korea na siyang naging pinakamayaman sa mga naging miyembro ng 2NE1.

Nagkaroon ng solo career si Sandara bilang aktres pagkatapos ma-disband ang kanyang K-pop band nu’ng 2016. Naging aktres naman siya sa South Korea, na siya namang career n’ya sa Pilipinas.

Ayon sa Ilang Korean websites, gumanap siya sa mga Korean drama na ‘One More Happy Ending’ at ‘Missing Korea.’

Lumabas din siya sa Ilang pelikula at ang isa ru’n ay ang ‘Bcuz of You’ na nagpanalo sa kanya ng ilang awards.

Naging fashion show host din siya sa ‘Get It Beauty’ na itinuring na fashion icon sa South Korea. Lumikha rin siya ng sarili n’yang fashion line na binansagan n’yang  ‘Dara Park Seduction.’

Nagkaroon din siya ng maraming endorsement deals.

Naglunsad din si Sandara ng sarili n’yang brand ng vodka at pabango na ang pangalan ay ‘With Love, from Dara.’

Sa madaling salita, ‘di lang talented performer si Sandara kundi napakahusay ding entrepreneur. At masasabing siya ang kontribusyon ng Pilipinas sa kasikatan ng Korean pop culture. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...