YouTuber  Logan Paul lalaban sa WWE

YouTuber  Logan Paul lalaban sa WWE

July 5, 2022 @ 4:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumirma ng kontrata sa pro-wrestling na World Wrestling Entertainment, Inc (WWE) ang kontrobersyal na American YouTube star na si Logan Paul matapos magsawa sa paglaban sa exhibition boxing bout.

Sa isang tweet, inihayag ni Paul ang balita sa isang contract signing sa WWE headquarters kasama sina Triple H at Stephanie McMahon.

“Just signed with the @WWE” sabi ni Paul sa kanyang caption na may hamon kay Mike “The Miz” Mizanin.

Inihayag din ng WWE ang balita sa mga social media account nito: “Opisyal na pinirmahan ni Logan Paul ang kontrata ng WWE.”

Sa isang exhibition match noong nakaraang taon kung saan walang judges sa ringside at walang opisyal na nanalo, ang retiradong Amerikanong boksingero na si Floyd Mayweather Jr. ay lumaban kontra sa YouTube star.

Pumasok si Paul sa exhibition match na mayroon lamang isang opisyal na laban sa kanyang record — isang pagkatalo sa kapwa YouTuber KSI noong Agosto 2018.

Kilala siya sa kanyang “insensitive” na mga stunt sa kanyang YouTube channel tulad noong 2018 nang ulanin siya ng galit na reaksyon mula sa Japanese social media nang nagpapakita siya ng isang biktima ng pagpapakamatay sa isang kagubatan malapit sa Mount Fuji.JC