Yulo babawi sa Paris 2024

Yulo babawi sa Paris 2024

November 8, 2022 @ 1:03 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako si Olympian Carlos Edriel Yulo na babawi sa Paris Olympics matapos mabigong makasungkit ng gintong medaly sa katatapos na 51st FIG Artistic Gymnastics World Championship,

Hindi umubra ang tikas ni Yulo kina Olympic champion na si Daiki Hashimoto ng Japan,  Zhang Boheng ng China at  Japanese Wataru Tanigawa.

Pinatalsik ni Hashimoto si Boheng sa men’s all-around kung saan tumapos si Yulo na ikawalo dahil sa mababang marka sa parallel bar at pommel horse na humila sa kanya pababa.

Nagtapos si Yulo na ikapito sa floor exercise sa kabila ng pag-top sa qualifying round sa event.

Aminado si Yulo na marami pa siyang kakaining bigas at nangako itong babawi sa 2024 Paris Olympics.

Nabitiwan ni Yulo ang kanyang world title sa vault matapos t alunin ni Artur Daytyan ng Armenia. Gayunpaman, inangkin niya ang bronze sa parallel bars sa likod ng three-time world champion na si Zou Jingyuan ng China at silver medalist na si Lukas Dauser ng Germany.

“Hindi pa handa ang una kong vault. Ito ay isang malaking hamon para sa akin, at isang mahusay na paghahanda para sa susunod na taon. Iba talaga kapag nakuha mo ang ginto, ngunit ito ay kung ano ito, at tanggap ko iyon,” sabi ni Yulo.

Babalik si Yulo kasama ang kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugimiya sa Japan kung saan sinimulan niyang sanayin ang talento para sa sa qualifying stint sa Olympics.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippines president Cynthia Carrion-Norton, sasabak muli si Yulo sa apat na World Cup sa susunod na taon sa Azerbaijan, Germany, Qatar at Egypt mula Pebrero hanggang Abril.JC