Yulo hahakot ng medalya sa Olympics – Carrion

Yulo hahakot ng medalya sa Olympics – Carrion

July 7, 2021 @ 12:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines — Kumpiyansa si Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na makakukuha si Caloy Yulo  ng maraming gold medal sa Tokyo Olympics.

Ibinida ni Carrion na si Yulo, nag-eensayo sa Japan ng halos apat na taon, ay lumakas na hindi lang sa kanyang paboritong event na floor exercise bagkus maging sa vault and parallel bars.

“He’s doing very well. What I want – and we’re working on it – is that he will win the gold in the floor exercise, win a silver in the vault and make the finals in parallel bars,” ani Carrion.

 “He’s also doing well in the high bar. The only two he’s not doing well are the pommel horse and rings,” dagdag pa nito.

Naniniwala ang GAP chief na makakukuha ng gintong medalya si Yulo kung gagawin nito sa Olympics ang ginagawa niya sa kanyang training.

 “He’s done a triple backflip, and he turns forward twice and lands very well in training. If he could do it in the Olympics, he’s got the gold,” ani Carrion. “That’s the top skill his Russian rival tried to do but he went out of bounds the last time.”JC