Yulo kampeon sa All Japan Seniors Championship

Yulo kampeon sa All Japan Seniors Championship

September 23, 2022 @ 3:36 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Hinirang na kampeon si world champion gymnast Caloy Yulo sa kanyang pet floor exercise sa 55th All-Japan Seniors Championship na ginanap ngayong araw ng Biyernes  bilang bahagi ng kanyang paghahanda para sa World Championship sa susunod na buwan sa Liverpool, England.

Iniulat ni Munehiro Kugiyama, Japanese coach ni Yulo, ang magandang balita ng pagkapanalo ng Filipino pocket-sized dynamo na may kasamang silver event at vault bronze.

Hindi nakipagkumpitensya si Yulo sa ibang mga apparatus dahil sa pananakit ng daliri.

“He (Yulo) has injury in his finger this time,” ani Kugiyama.

Sinabi ni Kiguyama na lilipad sila sa Paris, France sa susunod na buwan bilang bahagi ng buildup ni Yulo sa Worlds na nakatakda sa Oktubre 29 hanggang Nobyembre 6.

“Pagkalipas ng isang buwan, pumunta kami sa pre-camp sa Paris at pagkatapos ay direktang pumunta sa World Championships,” sabi niya.

Doon, umaasa si Yulo na mag-imprub, o mapantayan ang kanyang vault gold at floor exercise silver sa huling edisyon sa Kitakyushu, Japan noong isang taon.

Nag-gold din si Yulo sa floor exercise noong 2019 sa Stuttgart, Germany.RICO NAVARRO