Yulo may 2 golds sa Qatar

Yulo may 2 golds sa Qatar

June 19, 2022 @ 1:40 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagwagi ng dalawang gintong medalya si Filipino Olympian at gymnast na si Carlos Yulo  sa katatapos an 9th Senior Asian Gymnastics Championships sa Doha, Qatar.

Tinalo ni Yulo ang pito pang contenders at nanguna sa vault apparatus finals sa score na 14.884. Nanguna rin siya sa parallel bars finals sa score na 15.167.

Nanalo rin ng gintong ang  “Golden Boy” ng Philippine gymnastics sa vault sa 2021 World Championships at sa katatapos na Southeast Asian Games.

Sa kabuuan, nag-uwi si Yulo ng tatlong ginto at isang pilak na medalya mula sa Asian tilt.JC