Yulo sasabak sa Doha Leg ng World Cup

Yulo sasabak sa Doha Leg ng World Cup

February 28, 2023 @ 1:58 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi naman umuwing luhaan si Filipino gymnast Carlos Yulo matapos niyang makuha ang bronze medal sa parallel bar ng Cottbus leg ng FIG Artistic Gymnastics World Cup noong Linggo.

Nasungkit ng 23-anyos na si Yulo ang bronze sa parallel bars matapos magrehistro ng 15.166 puntos.

Nakasama niya sa podium sina Illia Kovtun ng Ukraine (15.366) at ni Matteo Levantesi ng Italy (15.266).

Nalungkot si Yulo matapos siyang mabigong makapasok sa final sa floor exercises at sa vault na kanyang mga paboritong event.

Nanguna siya sa qualifying para sa parallel bars na may 14.933 puntos, at mukhang nasa kanyang paraan upang masungkit ang ginto bago umabante sina Kovtun at Levantesi.

Sa kanyang Instagram sinabi ni Yulo: “Failed to qualify on my 2 fave events but I’m really grateful for these experiences. Saw things that I still can improve and that’s a treasure.”

Si Yulo ay babalik sa aksyon sa Doha leg ng World Cup, na nakatakda sa Marso 1 hanggang 4.

Ang circuit ay magtutungo sa Baku sa Marso 9-12 at magtatapos sa Cairo sa Abril 27-30. Nakataya sa World Cup ang mga qualification points sa Olympic Games sa Paris, France sa susunod na taon.RCN