Zaijan, pinakamatandang sidekick ni Darna!

Zaijan, pinakamatandang sidekick ni Darna!

October 14, 2021 @ 12:28 PM 3 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ngayong na-reveal na ang cast na bubuo sa Darna series ng Kapamilya network na ididirehe ng batikang director na si Chito Rono, kanya-kanya namang komento ang netizens.

May mga aprub sa casting ng nasabing fantaserye na ilang beses ding nagkaaberya bago matuloy.

Nakailang palit din kasi ng director ang  pamosong Mars Ravelo superheroine.

Meron din namang hindi sang-ayon dahil naghahanap ng kakaiba at nag-e-expect na star-studded cast.

For one, marami ang nakapansin na tila miscast si Zaijan Jaranilla sa role bilang Ding, ang sidekick ni Darna na gagampanan ni Jane de Leon.

Sey nila, 20 years old na raw ito at waring nasa awkward stage na raw para gumanap sa sidekick role.

Anila, sa lahat daw yata ng gumanap ng naturang papel ay siya ang pinaka-mature.

Sa previous movies kasi, ginampanan ang batang kasangga ni Narda/Darna nina Nino Muhlach, Romnick Sarmenta, Atong Redillas at Lester Llansang noong mga batang artista pa lamang sila.

Sa TV naman, sina CJ Muere at  Buboy Villar ang gumanap noon bilang Ding sa TV series na ginawa ng GMA-7.

Hirit naman ng iba, wala raw naman sa edad ang sukatan kung swak si Zaijan sa nabanggit na karakter.

Nasa performance daw ito at sa henyo naman ni Direk Chito ay puwede nitong gawing akma si Zaijan sa role.

Speaking of Zaijan, dalawa ang lalagariin nitong teleserye: Ang “Broken Marriage Vow”, ang  Pinoy adaptation ng “Doctor Foster” kung saan gumaganap siya bilang anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo at ang “Darna: The Series”.

Huling pinag-usapan si Zaijan nang mag-viral ang video kasama ang kanyang non-showbiz girlfriend na si  Dian Añes , na up-loaded noong araw ng mga Puso.

Naging instant hit ang couple sa kanilang pagsayaw sa saliw ng kantang “Domino” at “Bob for Me”. Naaliw kasi ang netizens sa kanilang dance moves.

Si Zaijan ay nakilala bilang Santino sa defunct ABS CBN primetime series na May Bukas Pa noong 2009. Archie Liao


  •  
  •  
  •