Zambales niyanig ng M-4.6 quake

Zambales niyanig ng M-4.6 quake

July 15, 2022 @ 6:03 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Masinloc, Zambales nitong Biyernes ng hapo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naitala ang lindol ng alas-4:36 ng hapon. Narito pa ang ibang mga lugar kung saan naramdaman ang lindol:

  • Intensity IV (“moderately strong” shaking): Iba, Zambales

  • Intensity III (“weak” shaking): Infanta, Pangasinan; Olongapo City, Zambales

  • Intensity II (“slightly felt” shaking): Gapan City, Nueva Ecija; Dagupan City, Pangasinan; Subic, San Antonio, Zambales

  • Intensity I (“scarcely perceptible” shaking): Plaridel, Bulacan; Malabon City, Pasig City, Navotas City, Metro Manila; San Jose, Palayan City, Nueva Ecija; Guagua, Pampanga; Basista, Bolinao, Pangasinan; San Francisco, Quezon; Tarlac City, Tarlac

Ayon pa sa ahensya, naiulat din ang Intensity II sa Quezon City.

Ayon sa bulletin ng ahensya, tectonic ang pinagmulan ng lindol, at may lalim na 40 kilometro. Hindi naman inaasahan ang aftershocks at walang naitalang pinsala. RNT/SA