Zambo City red zone pa rin sa ASF

Zambo City red zone pa rin sa ASF

October 25, 2022 @ 8:19 AM 1 month ago


ZAMBOANGA CITY – Nananatiling nakasailalim sa red zone classification ang syudad na ito dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng African swine fever (ASF).

Lumabas sa datos na inilabas noong Lunes ng Office of the City Veterinarian (OCVet) na umabot na sa 4,365 ang namamatay na baboy dahil sa ASF.

“Ang bilang ng mga barangay na tinamaan ng ASF ay nananatili sa 34 sa 98 na mga barangay,” ani Dr. Mario Arriola, OCVet chief, sa isang pahayag na inilabas ng City Hall Information Office.

Umabot sa 1,053 ang bilang ng mga nag-aalaga ng baboy na lubhang naapektuhan. Natukoy ang impeksyon ng ASF sa lungsod noong Mayo.

Ang distrito ng Vitali, na nagtala ng pinakamataas na namamatay, ay mayroon ding pinakamataas na bilang ng mga hog raisers na apektado ng ASF sa 322.

Samantala, ang OCVet sa pakikipagtulungan ng City Social Welfare and Development Office ay nagpapatuloy sa pamamahagi ng food assistance sa mga apektadong hog raisers sa pamamagitan ng Assistance in Crisis Situation program. RNT