Zambo masaker: 6 miyembro ng pamilya patay!

Zambo masaker: 6 miyembro ng pamilya patay!

August 6, 2020 @ 8:03 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Zamboanga del Norte – Todas ang anim na miyembro ng isang pamilya matapos pagbabarilin at sunugin pa ang kanilang bahay ng grupo ng mga lalaki sa bayan ng Siocon dito.

Kinilala ang mga biktima na sina Carlito Advincula Aban, 60; Aldrin Berdanio Aban, 20; Shannyn Cris Berdanio Aban, 17; Stephen Advincula Aban, 13; at Rosalia Navales Quirit, 45, pawang residente ng Sitio Padaun, Barangay Candiz, Siocon.

Sinabi ni B/Gen Jesus D. Cambay Jr., director ng PRO9, 12:40 ng madaling araw nang mangyari ang pamamaril sa pamilya at panununog sa kanilang bahay sa Sitio Padaun.

Sa ulat, nagawa pang makatawag ni Aldrin sa kanyang kapatid na si Tairon na sinugod ang kanilang bahay ng isang Elpidio Obiniana, alyas Balondong kasama ang ilang ‘di kikilang mga salarin.

Agad nagtungo ang mga awtoridad sa nasabing lugar ngunit nadatnang tupok na ng apoy ang bahay ng mga biktima.

Sa pagsisiyat, natagpuan ng mga pulis ang mga bangkay ng pamilya na pawang may tama ng bala ng baril sa katawan.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na matagal nang alitan ang motibo ng pagpatay sa pamilya. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...