Zambo police drug unit head nagpositibo sa droga

Zambo police drug unit head nagpositibo sa droga

January 13, 2021 @ 1:11 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

ZAMBOANGA – Pinasisibak na sa serbisyo ni Philippine National Police Chief Debold Sinas ang pulis na namumuno sa Drug Enforcement Unit ng Zamboanga City Police matapos na magpositibo sa droga.

Kinilala ni Sinas ang nagpositibo sa droga na pulis na si Maj. Jivertson D Pelovello, na sinibak na sa pwesto at nagbitiw na sa Regional Personnel Holding and Accounting Section ng Police Regional Office 9.

Kasalukuyang nahaharap ang pulis sa kaso at summary dismissal proceedings.

 “Anybody who will test positive for drug use does not deserve to stay in the service any minute longer,” ani Sinas.

Nitong Disyembre 18 nang isailalim sa mandatory surprise drug test ang 60 na tauhan ng Zamboanga City Police Office. Tanging si Pelovello lang ang nagpositibo sa droga. Positibo rin siya sa isinagawang confirmatory drug test nitong Enero 6.

 “He was already disarmed and was slapped with appropriate administrative charges,” ani Sinas.

Halos 500 PNP personnel na ang nasibak sa serbisyo mula 2016 matapos magpositibo sa iligal na droga. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...