Zamora ikinagulat ang 4 bakuna ng ama

Zamora ikinagulat ang 4 bakuna ng ama

July 14, 2021 @ 9:27 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na ikinagulat niya ang ibinuking ng kanyang amang si San Juan Representative Ronaldo Zamora na una na itong nakatanggap ng Sinopharm COVID-19 vaccine ng Tsina noong 2020 pa.

Matatandaang sinabi ng solon na apat na beses na siyang nabakunahan. Nakumpleto niya ang Sinopharm shots noong 2020, habang binakunahan pa siya ng dalawang dozes ng Pfizer COVID jabs nitong 2021.

Anang batang Zamora na ito ang unang beses na narinig niya ang balita mula sa kanyang ama.

“As far as I am concerned, what I know is we vaccinated him with two doses of Pfizer here in San Juan. So I never knew that he got vaccinated with Sinopharm last December, so I was shocked like everyone else with his statement yesterday,” anang alkalde sa CNN Philippines.

Ayon pa sa alkalde na kung nalaman niya ito una pa lang ay siya na mismo ang komunsulta sa IATF.

“If I had known na na-vaccinate na siya previously, I would have consulted the IATF first and ask kung ano ba ang dapat gawin. Kasi kahit ako, natatakot para sa kanya, kung nag third and fourth dose after two doses six months prior,” ayon pa sa batang Zamora. RNT