Zanjoe, aprub kay Sylvia!

Zanjoe, aprub kay Sylvia!

November 22, 2022 @ 12:01 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Walang dudang nakuha ni Zanjoe Marudo ang kiliti ng partido ng nililigawan niyang si Ria Atayde.

Ria is the daughter of veteran actress Sylvia Sanchez and businessman Art Atayde.

She is also the sister of Arjo Atayde.

Kamakailan ay makikita sa  respective Instagram accounts nina Zanjoe at Ria ang kanilang mga photos at the dinner table.

Joining them were Art, Sylvia at dalawa nitong anak na sina Xavi at Gela.

Sylvia likewise posted their group picture.

Nilakipan niya ito ng caption na: “Thank you for spending time with Z. Looking forward to knowing you more.”

Maalalang sa panayam ni Korina Sanchez kay Zanjoe nitong October 9 ay ipinagtapat ng aktor na nililigawan niya si Ria.

Considering na lampas isang buwan na ‘yon, posibleng sinagot na siya ni Ria. And officially they are already a couple.

Lalo pa tiyak na lumalim ang kanilang relasyon after their recent Japan trip.

Minsan nang nilinaw mismo ni Ria na mauunang mag-asawa kesa sa kanya ang kapatid na si Arjo.

Arjo and girlfriend Maine Mendoza are already engaged.

As for Arjo’s parents, hindi pa man ay winelkam na nila si Maine bilang bahagi ng kanilang pamilya.

And from the looks of it, mukhang tanggap din nina Sylvia at Art si Zanjoe as their future son-in-law.

Eh, ‘di wow! Ronnie Carrasco III