Zanjoe at Ria, IG official na!

Zanjoe at Ria, IG official na!

November 8, 2022 @ 6:17 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Dumating na ang isa sa pinakahihintay ng lahat.

Instagram official na kasi ang rumored couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Ipinost kasi ni Zanjoe si Ria sa kauna-unahang pagkakataon sa kanyang IG account.

Bukod sa picture nilang dalawa, kasama din sa slide ang mga kaibigan nilang sina Joshua Garcia, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla.

Nitong taon lang din nang aksidenteng ianunsyo ni Sylvia Sanchez sa publiko na “dating” ang anak nito at si Zanjoe.

Nilinaw naman noon ni Sylvia na hindi pa officially couple ang dalawa.

Pero ngayong IG official na sila, meron na rin kayang label?

Wala pa rin namang pahayag ang dalawa tungkol sa real score nila as of press writing. Paula Jonabele Ignacio