Zanjoe, kayang magtaksil sa jowa!

Zanjoe, kayang magtaksil sa jowa!

January 17, 2022 @ 10:37 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Kilalang one-woman man si Zanjoe Marudo.

Nananatili mang pribado hangga’t maaari ang kanyang personal na buhay, stick to one lang daw siya.

Ito ang dahilan kung bakit medyo nahihirapang gampanan ni Zanjoe ang papel bilang two-timing architect- husband (David) sa seryeng A Broken Marriage Vow.

Asawa niya rito si Jodi Sta. Maria na nainlab sa yoga teacher na ginagampanan ni Sue Ramirez.

Inamin ni Zanjoe na kinarir daw niya ang pag-aaral sa karakter ni David para ma-justify niya kung bakit nangangaliwa ito.

Bagama’t against si Zanjoe sa mga taksil na partner regardless of gender, hindi raw imposible na sa totoong buhay ay pagtaksilan din niya ang kanyang mapapangasawa in the future.

Ayan, ha? Zanjoe’s would-be wife, ihanda mo na ang sarili mo! Ronnie Carrasco III