Zanjoe Marudo, bakit kaya inspired?

Zanjoe Marudo, bakit kaya inspired?

July 4, 2018 @ 8:58 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Nagsalita na sa wakas ang actor na si Zanjoe Marudo tungkol sa usap-usap na siya at ang modelong si Josie Prendergast ay nagkakamabutihan na.

Sa isang interview, sinabi ng aktor na siya ay mayroon ng oras para sa pag-ibig.

“Ngayon may time na dahil natapos ko na ‘yung dalawang movies na ginagawa ko itong ‘Kusina Kings’ at ‘To Love Some Buddy,’ sabi in Zanjoe.

“Inspired ako ngayon,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang buwan pumutok ang balita tungkol kay Zanjoe at Josie matapos silang makitang magkasama sa Siargao kung saan nagdiwang si Josie ng kaniyang kaarawan.

Nang tanungin naman tungkol sa kaniyang reaksyon sa usap-usapang litrato nila noong kaarawan ng model na ginanap sa Siargao, sinabi ng actor na,  “Reaksiyon ko? Kinikilig ako.”

“Getting to know kasi bago pa lang naman kaming magkakilala,” sagot naman ni Zanjoe matapos tanungin ang status nilang dalawa.

Samantala, inanunsiyo naman ng aktor ang kaniyang upcoming film na “Kusina Kings” kasama ang komedyanteng si Empoy Marquez na ipapalabas na sa mga sinihan, soon.

“Malapit na malapit na ang ‘Kusina Kings’ at excited na kami lahat na mapanood nila lahat itong pinaghirapan namin. Bago ito. Parang matagal na tayong walang napapanood na ganitong klaseng comedy. Ito na ibinabalik namin at sana ay magustuhan ng viewers natin,” sabi niya pa. (Remate News Team)