Zanjoe, pasado kay Sylvia!

Zanjoe, pasado kay Sylvia!

December 22, 2022 @ 1:49 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Sabi ng matatanda, hindi lang loob ng taong nililiyag mo ang dapat mong kunin kundi pati ang mga magulang nito.

Eventually kasi ay ang mga magulang ang magiging kakampi mo kapag may ‘di kayo pagkakaunawaan ng iyong kasintahan.

Mukhang ganito nga ang strategy na naisip ni Zanjoe Marudo sa pakikipaglapit kay Ria Atayde.

Zanjoe made sure na mahuhulog din ang loob ng mga magulang ni Ria sa kanya.

Ria is the daughter of Sylvia and Art Atayde.

Mismong si Sylvia ang nagbuking na may espesyal na relasyon na namamagitan kina Ria at Zanjoe.

Exclusively dating nga raw ang dalawa as evidenced in their recent trip to Japan pero kasama ang magnobyong Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Joshua Garcia at Robi Domingo.

Mid-November din nang ipost ni Sylvia ang salu-salo ng kanyang pamilya kasama si Zanjoe.

But of late, tila ang espesyal na relasyon between her daughter and Zanjoe ay nag-level up na to the point na puro papuri ang namumutawi sa bibig ni Sylvia patungkol sa aktor.

Ani Sylvia who doesn’t hide her fondness of Zanjoe: “Boto ako kay Z. Marespetong bata. Gustung-gusto ko siya.”

Sumalang ang mag-inang Sylvia at Ria sa Christmas special 2022 ng ABS-CBN kung saan may tanong na “naughty or nice.”

Asked kung may nabago raw ba sa anak, consistent si Sylvia sa pagsasabing malaki na raw ang ipinagbago ni Ria sa pakikitungo sa mga kaibigan. Dati raw kasi, si Ria ang tipong all mine to give.

“Sabi ko, magtira naman siya para sa sarili niya. Ang kaibahan lang namin, hindi siya kasingtapang ko. Umiiyak lang ‘yan. But she’s learning her lesson,” sabi ni Sylvia tungkol kay Ria.

Sa ngayon, hinihintay mismo ng publiko ang pag-amin nina Zanjoe at Ria sa kanilang nag-level up nang relasyon.

From there, engagement na nga ba ang dapat abangan? Ronnie Carrasco III