Zayn at Gigi, no-label relationship?

Zayn at Gigi, no-label relationship?

June 26, 2018 @ 10:55 AM 4 years ago


Noong March inanunsyo ni Zayn at ng modelong si Gigi Hadid ang kanilang paghihiwalay, ngunit bakit sila nakitang naghahalikan ilang linggo pa lamang ang nakakalipas?

Kahit na nakikita raw umano ang dalawa na tila nagkakabalikan na, si Zayn ay hindi naman binibigyan ng label ang kanilang samahan ng modelo.

“We’re adults. We don’t need to put a label on it, make it something for people’s expectations,” sabi ni Zayn sa isang interview para sa isang magazine.

“We’re still really good friends, and we’re still in contact,” sabi pa ng aktor at dagdag pa niya, magkasama pa nga raw sila sa isang farm na nabili ni Zayn sa Pennsylvania.

Si Gigi ay isa sa mga taong tumulong kay Zayn noong siya ay may anxiety at noong siya ay palaging negatibo sa lahat ng bagay na nakapaligid sa kaniya.

“That might have been adolescence or testosterone or whatever the f*ck was running through my body at the time. She’s helped me to look at things from a positive angle.”

Tinutulungan rin umano ni Gigi si Zayn sa kaniyang work calendar.

“She doesn’t handle my finances yet. We will get to that eventually,” sabi naman ng aktor. (Remate News Team)