Zayn Malik, todo-ingat sa pakikipaghiwalay kay Gigi Hadid!

Zayn Malik, todo-ingat sa pakikipaghiwalay kay Gigi Hadid!

October 29, 2021 @ 12:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Matapos ang halos anim na taong relasyon, naghiwalay na ang 26-year-old model na si Gigi Hadid at 28-year-old singer na si Zayn Malik.

Kinumpirma ito ng isang reliable source. May mga nagssasabing naghiwalay umano ang dalawa matapos magkaroon ng iringan sa pagitan ng Zayn at ina ni Gigi na si Yolanda.

Ngunit ayon sa source, bago pa man ang pag-aaway sa pagitan ng singer at ni Yolanda, matagal nang hiwalay ang dalawa,

“Gigi and Zayn broke up before the incident with Yolanda,” ayon sa source.

Hindi man magkasama pero maayos pa rin ang co-parenting ng dating magkasintahan na isang taon palang ang nakalilipas matapos i-welcome ang kanilang first baby na si Khai.

Sa Tweet ng singer, sinabi nitong ayaw na sana niyang magbigay ng pahayag tungkol sa issue lalo na’t involve ang pamilya ng kanyang ex-partner at nais niyang protektahan ang kanilang anak ngunit wala na itong magawa dahil kumalat na ito sa press.

Hangad naman ni Zayn ang paghilom ng lahat ng nadawit sa kanilang hiwalayan ni Gigi at sinabing magiging maingat ito upang maprotektahan ang anak,

“I am hopeful though for healing of all involved with the harsh words shared and more importantly I remain vigilant to protect Khai and give her the privacy she deserves,” pagtatapos ng Tweet ng singer. Paula Jonabelle Ignacio