Zeinab, kinabog sina Vice at Ivana!

Zeinab, kinabog sina Vice at Ivana!

January 12, 2023 @ 12:49 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Sa listahang inilabas ng YouTube, naungusan ni Zeinab Harake sina Ivana Alawi at Vice Ganda sa top 10 Pinoy YouTubers of 2022.

Nasa pangatlong puwesto kasi si Zeinab samantalang pang-apat ang sexy YouTuber na si Ivana. Nasa panlima naman ang “It ‘s Showtime” host at comedian.

Nakuha naman ng Kapamilya actress na si Francine Diaz ang ikasiyam na puwesto.

Nangunguna naman sa listahan ang Palaweño content creator na si Geo Ong na “Ang Baon” ay nakasama rin sa top trending videos of 2022. Pumapangalawa naman ang fiance ni Viy Cortez na si Cong TV.

Kasama rin sa listahan ng top 10 sina Von Cardona, Doc Willie Ong, Pugong Biyahero at Small Laude. Archie Liao