Zero COVID cases sa mga PDL, napanatili ng BJMP

Zero COVID cases sa mga PDL, napanatili ng BJMP

April 24, 2022 @ 2:24 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Napanatili ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang zero record nito sa COVID-19 cases sa mga persons deprived of liberty (PDL) simula pa noong Marso.

Base sa datos ng Directorate for Health Services ng BJMP, Marso 27 pa nang huling makapagtala ng aktibong kaso ng sakit sa mga PDL.

Ayon kay BJMP chief Jail Director Allan Iral, umaasa silang magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod pang buwan.

Hinikayat naman ni Iral ang lahat ng tauhan nito sa 475 district, city at municipal jails sa buong bans ana patuloy na ipatupad ang health protocols para masiguro ang kaligtasan ng mga bilanggo.

Nagpapatuloy din ang pagbabakuna sa mga bilangguan ayon sa BJMP.

Hanggang kahapon, kabuuang 126,747 PDLs o 96.77% ng 130,972 jail population sa BJMP ang naturukan na ng COVID-19 vaccines.

Sa nasabing bilang, 68.28% o 89,433 ang nakatanggap na ng booster shot. RNT/ JCM