‘Zero F2F transaction policy’ sisimulan ng SEC sa Enero 13

‘Zero F2F transaction policy’ sisimulan ng SEC sa Enero 13

January 12, 2022 @ 5:36 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Magpapatupad ang Securities and Exchange Commission ng  ‘zero face-to-face transaction policy’ sa kanilang mga opisina sa Metro Manila simula Enero 13, 2022.

Sinabing ipatutupad ito ‘until further notice.’

“The adoption of the zero face-to-face setup is in compliance with Republic Act No. 11032, otherwise known as the Ease of Doing Business Law, as the Commission seeks to effectively avoid further spread of COVID-19 in the workplace,” lahad ng SEC.

Mananatili naman ang skeleton workforce at magpatutupad ng iba pang work arrangements upang matiyak na magpapatuloy ang kanilang operasyon. RNT/FGDC