Zero veto ng 19th Congress tiniyak ng liderato ng Kamara

Zero veto ng 19th Congress tiniyak ng liderato ng Kamara

August 17, 2022 @ 7:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Tiwala ang liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso na “zero veto” ang mga panukalang batas na maipapasa sa 19th Congress dahil sa regular na koordinasyon nsa Senado at Malakanyang.

Ayon kay House Maajority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe patuloy ang masusing pakikipag-ugnayan ni House Speaker Martin Romualdez sa liderato ng Senado sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri at kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“Speaker Martin G. Romualdez has been forging a tighter coordination with Malacañang and the Senate to prevent even a single presidential veto of bills to be approved by the 19th Congress.With the leadership of Senate under Migz Zubiri, Speaker of the House Martin Romualdez, ang ating President, mahal na Pangulong Bongbong Marcos, mas maganda ito, we will be able to achieve more for the legislative agenda.”

Maging ang mga katuwang ni Dalipe na sina Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo at House Assistant Majority Leader Rep. Margarita Ignacia “Migs” Nograles (PBA Partylist) “ vowed to ensure the smooth and swift approval of President Ferdinand “Bongbong” Marcos’ legislative agenda and other pro-people measures.”

Paliwanag pa ni Dalipe na ang masusing koordinasyon ang siyang susi para sa maaayos na proseso na gagarantiya sa garantisado at tiyak na linkages, synergy sa ikabibilis na pagpapasa sa mga panukalang batas.

“We are closely coordinating with Malacañang and the Senate so that we can avoid vetoing of a measure which is a waste of time and resources. Under the leadership of Speaker Martin, we are working with our counterparts to ensure the smooth passage of important bills,” sinabi ni Dalipe sa Lingguhang Ugnayan sa Batasan Majority News Forum.

Binanggit naman ni Quimbo, senior vice chairman ng makapangyarihang House Committee on Appropriations na dumalo na siya sa kauna-unahang Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC)- Technical Working Group (TWG) kung saan tinalakay ang priority agenda ng administrasyon at kung paano mapapabilis ang proseso ng mga panukalang batas at upang matiyak na hindi masasayang o mawawaldas ang government resources.

Kasama aniya sa natalakay sa LEDAC-TWG meeting ang pagpapasa sa 19 legislative priority measures na tinukoy ni Pangulong Marcos sa kaniyang state-of-the-nation address kabilang dito ang pagbabaliktanaw kung anong nangyari sa nagdaang Kongreso at kung bakit ang nagkaroon ng vetoed bills.

“Most important iyung statement ng ating mahal na Speaker, sabi niya it is very important at this point in time of course not only effective legislation but cost-effective legislation. In other words, ayaw nating magkaroon ng veto, magastos ang vetoed bill. Ang sabi ni Speaker let us use the LEDAC as a platform to ensure that our legislation [will be approved with dispatch],” ani Quimbo.

Si Nograles ay nagbanggit sa Forum na ang mayorya sa Kamara ay buo ang suporta kay Speaker Romualdez na targetin ang “zero veto bills” upang masigurong magagamit ng tama ang salapi ng gobyerno.

Ang 19 priority measures na tinukoy ng pangulo ay ang Valuation Reform Bill, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), E-Governance Act, Internet Transaction Act, GUIDE bill, Medical Reserve Corps bill, National Disease Prevention Management Authority bill, Virology Institute of the Philippines bill, Unified System of Separation, Retirement and Pension bill, Department of Water Resources bill, E-Governance Act, National Land Use Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program, Budget Modernization bill, National Government Rightsizing Program, National Defense Act, Enactment of an Enabling Law for the Natural Gas Industry, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act, at ang amienda sa Build-Operate-Transfer Law.

Ang walo sa may 19 na panukala ay aprubado na sa 18th Congress kabilang dito ang Valuation Reform Bill, PIFITA, E Governance Act, Internet Transaction Act, GUIDE, Medical Reserve Corps, National Disease Prevention Management Authority, at ang Virology Institute of the Philippines.

Sa Rule 10, Section 48, ay pinahihintulutan ang mga komite na tapusin o ipasa ang mga panukalang batas na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng nagdaang Kongreso.

Nakasaad sa Rule 10 na “In case of bills or resolutions that are identified as priority measures of the House, which were previously filed in the immediately preceding Congress and have already been approved on third reading, the same may be disposed of as matters already reported upon the approval of the members of the committee present, there being a quorum.” Meliza Maluntag