Zig-a-zig-ah! ‘Wannabe’ ng Spice Girls, 25 taon na!

Zig-a-zig-ah! ‘Wannabe’ ng Spice Girls, 25 taon na!

July 11, 2021 @ 4:14 PM 1 year ago


US – Nitong Biyernes, naglabas ng bagong EP, Wannabe 25, ang iconic girl group na Spice Girls (Scary Spice, Ginger Spice, Posh Spice, Baby Spice, at Sporty Spice) na naglalaman din ng isang unreleased track bilang marka ng pagdiriwang ng ika-25 taon ng kanilang debut single na ‘Wannabe’. 

Ang nasabing unreleased track ay ang ‘Feed Your Love’ na isinulat pa noong taong 1995.

Hindi na rin pinalampas ng grupo na mag-post ng kani-kanilang 90s throwback photos sa social media. 

Sa caption ng isang post ni Geri Halliwell na mas kilala bilang Ginger Spice ay sinabi niyang, “25 years of ‘Wannabe’. Wow. The song that changed the lives of five girls from Britain. The first picture was taken in my back garden on a Sunday — we were all listening to the radio together that day we went to No. 3 in the charts!!” kalakip ang mga litrato noong 90s kasama ang grupo. 

Samantala, si Emma Bunton na mas kilala bilang Baby Spice ay nag-post ng “Zigazigahhhhhh!!! 🎉🎉”, dagdag pa niya ang, “Feeling very emotional, what an amazing 25 years it has been. Thanks to our wonderful fans for making 5 girls dreams come true, loving the songs that we wrote, copying our dance routines and embracing our individuality!”

Ang kanilang debut single na ‘Wannabe’ ang naging susi sa pagkakakilanlan at kasikatan ng Spice Girls noong 1996 na nagkaroon ng platinum award dahil sa naitalang isang milyong kita nito sa loob lamang ng isang taon. 

Dagdag pa rito ang mga pumatok at sumikat nilang awit na ‘Say You’ll Be There’ at ‘2 become 1’ na nilalaman ng kanilang debut album na Spice. Riza Guarin