Zoo sa Egypt, nameke ng Zebra

Zoo sa Egypt, nameke ng Zebra

July 25, 2018 @ 3:30 PM 5 years ago


Egypt – Nasa hotseat ngayon ang isang bagong bukas na zoo sa Cairo’s International Garden park dahil sa panloloko nila sa mga bisita.

Nabunyag kasi kamakailan na isang donkey pala ang naka-display sa kanilang zoo at hindi isang zebra.

Agad na nag-trending ang litrato ng umano’y kakaibang ‘zebra’ na kinunan ng isang estudyante sa Facebook kung saan makikita na lusaw na ang pinturang black stripes sa katawan ng isa palang puting donkey.

Sa imbestigasyon ng mga veterinarian, lumalabas nga na tama ang hinalang isang donkey ito dahil sa ilang mga characteristics nito na hindi tumutugma sa anyo ng tunay na zebra.

Sa kabila naman ng lumabas sa imbestigasyon, tuloy pa rin sa pag-deny ang zoo.

Hindi naman ito ang unang beses na nameke ng zebra dahil noong 2009 ay isang zoo naman sa Gaza ang nagpintura rin ng dalawang donkey para palitan ang dalawang zebra nila na namatay dahil sa gutom. (Remate News Team)