Zoren, nag-ala paparazzi kay Cassy!

Zoren, nag-ala paparazzi kay Cassy!

July 30, 2022 @ 3:11 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Itsura ng paparazzi ang ginawang lihim na pagmamatyag ni Zoren Legaspi sa kanyang anak na si Cassy.

Si Cassy ang kambal na kapatid ni Mavy.

Ang siste, sorpresang dinalaw ni Darren Espanto ang rumored girlfriend nitong kalagitnaan ng linggo.

Sa dining area inestima ni Cassy ang kanyang surprise visitor.

While in a huddle, walang kamalay-malay ang napapabalitang magkasintahan na nasa ‘di kalayuan si Zoren at kumukuha ng video.

Bahagya kasing nakatalikod sina Cassy at Darren.

Kung hindi pa tumayo si Cassy, she wouldn’t have caught her father doing a paparazzo (singular form ng paparazzi).

In fairness, hindi naman isinikreto ni Cassy ang tagpong ‘yon as she shared it on Insragram.

Matagal nang napapabalitang may ugnayan na ang dalawa, pero panay ang tanggi nila.

Mukha namang aprub sa mga magulang ni Cassy ang pagkakaroon nito ng relasyon sa Kapamilya actor.

So, are they or are they not? Ronnie Carrasco III