Zsazsa, umaming naangasan kay Yael!

Zsazsa, umaming naangasan kay Yael!

December 2, 2022 @ 3:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Parents will always be supportive and protective of their children.

Walang inilayo si Zsa Zsa Padilla who’s the proud mother of Karylle.

Siyempre, the pride comes from the fact that Karylle or simply K to her mom has inherited the musical genes of the country’s Divine Diva.

Sa kabila ng kaligayahang ‘yon, hindi maiaalis kay Zsa Zsa na protektahan ang anak.

Ngayong may sarili nang buhay si Karylle, Zsa Zsa looks back noong panahong bagu-bago pa lang niya nakikilala ang asawa ngayon ng anak, si Yael Yuzon.

Inamin ni Zsa Zsa that she never had a good impression of Yael.

Unang-una, miyembro ito ng banda.

Yael is the vocalist of Sponge Cola.

Sa madaling salita ani Zsa Zsa: “Astig, rocker kasi. Chick magnet ba ‘to? Naitanong ko rin kay K.”

Nang lumaon, mas nakilala raw ng singer-actress si Yael.

Sobrang mapagmahal, mapagbigay at maalalahanin daw ito kay Karylle that Zsa Zsa eventually realized na nasa mabuting kamay ang anak.

Karylle and Yael got married in 2014.

‘Yun nga lang, the celebrity couple has yet to be blessed with a child.

Sa edad ngayon ni Zsa Zsa, sabik na rin siyang maging lola. Ronnie Carrasco III