Zubiri nagpasaklolo sa media sa pagpapaganda ng imahe ng Pinas

Zubiri nagpasaklolo sa media sa pagpapaganda ng imahe ng Pinas

November 8, 2022 @ 2:06 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa media na tumulong upang mapaganda ang international image ng Pilipinas na tuluyang pumangit sanhi ng pagpaslang kay broadcaster Percy Mabasa Lapid o mas kilala bilang Lapid Fire.

Sa kanyang press conference, inihayag ito ni Zubiri matapos ihain ang kasong murde laban sa dawalang opisyal ng Bureau of Corrections at iba pa kaugnay ng pagpaslang kay Lapid.

Aniya, malaki ang respeto ng bansa sa press freedom kaya’t kailangan tumulong ang sektor na mapaganda ang imahe ng bansa sanhi ng naturang kaso.

“I appeal to the media, tulungan niyo naman kami na pagandahin ang imahe ng Pilipinas, ayon kay Zubiri sa miyembro ng media.

Iginiit pa ng lider ng Senado na nananatiling masigla ang freedom of the press sa bansa sa kabila ng bumagsak ang Pilipinas sa press freedom ranking sa taong kasalukuyan.

Bumagsak ang bansa sa 147th mula sa 180 bansa sa ulat ng 2022 World Press Freedom Index by Paris-based Reporters Without Borders (RSF).

“We are a free media. May pumipigil ba sa report ninyo sa Senate? Wala di ba?” aniya.

“Katulad noong Percy Lapid, Nahuli na nga iyong bumaril at mahuhuli na nga iyong mastermind. Tumulong naman kayo iannounce yan sa buong mundo. Buti sana kung hindi inaksyunan, e inaksyunan naman (Just like the Percy Lapid case. The shooter has been caught, the mastermind will soon be apprehended. Please help us to announce this to the whole world. Actions had been taken,” giit ni Zubiri.

Aniya, mas maganda ang bansa kaysa bia dahil malayang nakapagbigay ng opinion ang lahat nang walang sagabal. Ernie Reyes