Zubiri pabor sa bagong EDCA sites vs bullying sa WPS

Zubiri pabor sa bagong EDCA sites vs bullying sa WPS

March 2, 2023 @ 9:49 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pabor si Senate President Juan Miguel Zubiri sa pagtatayo ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites kasabay ng “bullying” na isinasagawa sa
West Philippine Sea (WPS).

“I have no problem with EDCA sites. This issue came about because of our problem in the West Philippine Sea,” ani Zubiri.

“Siguro kung wala tayong problema sa West Philippines Sea at walang nambubully sa atin, we can probably disregard having EDCA sites. But at this point of time, there’s a big bully harassing ang ating mga mangingisda, harassing ang ating mga coast guard, harassing itong mga nanggugulo sa ating mga navy boats, navy airplanes, air force planes, nagpapadala tayo ng pagkain sa Pag-asa Island bilang isang municipality ng Palawan,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Zubiri na ang mga bagong EDCA site ay makatutulong sa Philippine defense forces na maprotektahan ang ating teritoryo.

“If we didn’t have bullies in our borders, then I don’t think we need EDCA sites. Unfortunately, today, we have bullies in our borders, palapit nang palapit ng Pilipinas. Kailangan natin ng tulong ng lahat ng ating mga kaalyado na mga bansa na nagmamahal ng demokrasya, and freedom of navigation in the area,” giit niya.

Ang tugon na ito ni Zubiri ay kasabay ng pagkwestyon naman ni Senador Imee Marcos sa pagtatayo ng bagong EDCA site sa mga probinsya sa Northern Luzon.

“Kung may mangyari sa Taiwan at papasukan ng China ‘yong Taiwan, sigurado kasali din ang Pilipinas d’yan, dahil, syempre, gaano kalayo po ‘yong Taiwan sa Pilipinas?” ani Zubiri.

“Sa Cagayan province siguro wala pang less than an hour flight, and by boat it’s probably less than six hours by slow boat, by pump boat, so you’ll see an influx of possible—kung nagkagulo sa region na ‘yan—you’ll see an influx of refugees to the Philippines, and hindi natin alam kung anong mangyayari,” pagpapatuloy ng senador.

Aniya, kailangan natin ng “staging point” upang sagipin ang mga Filipino sa Taiwan sa oras na magkaroon ng tensyon sa pagitan ng nasabing bansa at ng China.

Naniniwala umano si Zubiri na ang mga mamamayan ng mga probinsya sa Northern Luzon ay pabor sa pagtatayo ng bagong EDCA sites ngunit kailangan na makonsulta muna ang mga ito.

Matatandaan na nauna nang sinabi ng mga gobernador ng Cagayan, Ilocos Norte at Isabela na tutol sila sa paglalagay ng EDCA sites sa kani-kanilang mga probinsya.

Samantala, sinabi naman ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na ang mga bagong EDCA sites ay dapat nasa isla ng WPS.

“If the Americans will insist for additional EDCA sites, how I wish na some of their sites will be placed doon sa islands sa West Philippine Sea natin para makatulong sila doon sa pagbabantay ng ating teritoryo,” sinabi ni Dela Rosa kasabay ng Kapihan sa Manila Bay forum.

“Sana doon sila kasi ito nga may problema ‘yung local government ng Cagayan Valley na ayaw nila malagay doon ang EDCA…Kung ayaw nila don…sa Palawan, off Palawan coast. Forward pa sila doon sa Kalayaan Island [Group],” dagdag niya.

Nitong Pebrero, napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na magtalaga ng dagdag na apat na bagong lugar kasabay ng full implementation ng EDCA. RNT/JGC