Zubiri sa Ombudsman: Anti-red tape law bigyang-pagkakataon

Zubiri sa Ombudsman: Anti-red tape law bigyang-pagkakataon

October 6, 2022 @ 6:42 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kinakailangan ng batas laban sa bureaucratic red tape upang masuportahan ang pagsisikap sa “ease of doing business” sa gobyerno, ayon kay Senate President Juan  Miguel Zubiri nitong Huwebes.

Sinabi ng mambabatas na bukas siya sa posibleng adjustments sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) law matapos ipanawagan ng Office of the Ombudsman ang pagbuwag dito dahil sa “duplication of functions.’

“Umaapela po ako sa ating mahal na Ombudsman na mag-dialogue po tayo para hindi naman maging sayang ating mga hakbang para sa red tape,” sabi niya sa isang briefing. “If we abolish ARTA and repeal the law, it is 1,000 steps to the wrong direction.”

Sa House budget hearing nitong nakaraang buwan, sinabi ni Ombudsman Samuel Martires na ang Kamara “can amend or repeal the ARTA law, which is an unconstitutional law as it usurps or encroaches upon the powers of the Ombudsman.”

Nilagdaang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ang Republic Act 11032 na nag-amyenda sa Anti-Red Tape Act of 2007. Binuo rin sa ilalim ng batas ang ARTA.

Sinabi ni Zubiri, may akda ng ARTA law, na nilikha ito “with the singular goal of cutting the bureaucratic red tape and developing a business-friendly environment where government transactions and applications are processed as quickly and painlessly as possible.”

Inihayag niya na kinikilala ng batas ang awtoridad ng Ombudsman, habang ang ARTA cay pwede lamang magrekomenda at magbukas ng mga imbestigasyon, at i-refer ito sa Ombudsman. RNT/SA