Zubiri: Special protection vs. online sexual abuse batas na

Zubiri: Special protection vs. online sexual abuse batas na

August 3, 2022 @ 9:34 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Naisabatas na ang panukala nag naglalayon ng special protection laban sa online sexual abuse at exploitation ng mga bata, ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Inilabas ni Zubiri nitong Martes ang listahan ng mga panukala na nag-lapse into law, kabilang ang Senate Bill 2209 at House Bill 10703.

Nilalayon ng bagong batas na dagdagan ang tungkulin ng private sector sa paglaban sa online abuse, na tumututok sa electronic service providers, internet intermediaries, financial intermediaries, partikular na sa blocking at preserving ng OSAEC materials sa kanilang platforms, at kooeprasyon sa law enforcement agents.

Itatalaga rin nito National Coordinating Center laban sa OSAEC at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) sa ilalim ng Inter-Agency Council against Trafficking (IACAT).

Nauna nang ihayag ni Senator Risa Hontiveros na sa ilalim ng batas, lilikha rin ng proteksyon at garantiya ang mga batang biktima ng OSAEC, partikular na hinggil sa kanilang psycho-social needs at magkakasa ng karagdagang imbestigasyon at surveillance tools sa law enforcement agents. RNT/SA