Zubiri, Vietnam envoy, nagkasundo sa agri, tourism partnership

Zubiri, Vietnam envoy, nagkasundo sa agri, tourism partnership

November 22, 2022 @ 6:56 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Malugod na tinanggap ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Vietnamese Ambassador Hoang Huy Chung nitong Lunes saka nagkasundo sa pagpapalakas ng estratehikong partnership sa agrikultura at turismo.

Sa pahayag, sinab ni Zubiri na dumalaw ang embahador bilang paunang delegasyon ng Vietnames parliamentary na nakatakdang dumalaw sa Pilipinas sa Miyerkoles na pangungunahana ni Vuong Dinh Hue, president ng National Assembly of Vietnam.

Aniya, pinag-usapan s apulong kay Hoang kung paano mapapalakas ang koneksiyon ng Pilipinas at Vietnam sa proteksiyon ng kani-kanilang soberenya dahil magkatulad ang dalawang bansa na may kasaysayan ng kolonyal at kasalukuyang geopolitical circumstances.

Sinabi pa ni Zubiri na may pangangailangan na palawakin ang palitan ng dalawang parlamento at palakasin ang turismo at negosyo saka pinuri ang patuly na paglago

“Vietnam’s policy on investments is to be emulated. You have the best foreign direct investments in the region,” ayon kay Zubiri sa ambassador.

Samantala, sinisipat naman ni Hoang ang mas malakas na palitan ng turista dahil nagsisimula nang bumiyahe ang Vietnamese pagkatapos ng pandemya at ugnayan sa agrikultura sa pamamagitan ng kalakalan, research, pagpapaunlad at teknolohiya.

Tinukoy niya nakuha nila ang kanilang agricultural techniques mula sa International Rice Research Institute sa University of the Philippines Los Baños, na kung saan nagtaos si Zubiri ng kanyang agribusiness degree.

“Vietnam highly values Filipino teachers of English to help their citizens improve their language proficiency,”giit ni Hoang. Ernie Reyes