Zuckerberg binayaran ang buong UFC Fight Night

Zuckerberg binayaran ang buong UFC Fight Night

September 30, 2022 @ 2:23 PM 2 months ago


LAS VEGAS — Idaraos ng UFC ang susunod nitong fight show nang walang mga tagahanga o miyembro ng media na dadala pero tumanggi ang mixed martial arts promotion na sabihin ang dahilan.

Ang UFC ay magtatanghal ng 13-laban sa Fight Night card sa Apex Gym sa corporate campus nito sa Las Vegas sa Sabado ng gabi (Linggo, oras sa Maynila), ngunit walang mga tagahanga o reporter na papapasukin doon.

Nagtatanghal ang UFC ng mga regular na card sa telebisyon sa maliit na gym mula noong simula ng pandemya ng coronavirus, pero ilang miyembro ang media at ilang fans ang pinapayagang makapasok.

Lalaban sa main event ang Strawweight Mackenzie Dern kontra kay Yan Xioanan sa main event, ayon sa ulat,

Sinabi ng UFC na isa lang ang makakapasok sa loob at ito ay si Mark Zuckerberg, ang Facebook cofounder at Meta chief executive officer, na “nirentahan ang buong kaganapan.”

 Si Zuckerberg ay isang kilalang tagahanga ng MMA na nagsanay sa isport.

“Alam kong pupunta siya doon,” sabi ni Dern. “Pero hindi ko alam kung ito lang, parang literal na siya at ang asawa niya, kung magkakaroon siya ng mga kaibigan, o kung parang maliit na party lang. Hindi ko alam. Excited ako, and that just makes me more driven to put on a good show. I know everyone’s watching on TV, but for Mark and whoever’s gonna be there, I’ll put on a show. Yun ang gusto nilang makita, is a show. Then we’re going para magbigay ng palabas.”

Tumanggi si FC President Dana White na ipahayag ang dahilan ng pagsasara nang tanungin nitong mga nakaraang araw, ngunit nagpunta siya sa Twitter noong Miyerkules upang tanggihan na si Zuckerberg ay nag-book ng buong Apex gym para sa kanyang sarili.

Tumangging magkomento ang isang tagapagsalita ng UFC, sa halip ay nagpadala ito ng isang email na ipinadala sa mga regular na reporter ng MMA na nagpapahayag ng pagsasara nang walang dahilan.

Pinahihintulutan ang mga reporter na i-cover ang opisyal na weigh-in sa Biyernes, ngunit hindi ang mga laban.

Ipapalabas pa rin ng ESPN+ ang palabas na Fight Night gaya ng dati.RICO NAVARRO