Zulueta nasa Baguio, ‘di nagtatago – abogado

Zulueta nasa Baguio, ‘di nagtatago – abogado

December 17, 2022 @ 2:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Lumitaw sa unang pagkakataon mula nang pangalanan ng mga awtoridad bilang isa sa itinuturong masterminds sa pagpatay sa radio commentator na si Percy Lapid at umano’y middleman na si Jun Villamor ang dating Bureau of Corrections official.

Makikita si dating Bureau of Corrections deputy for security operations Ricardo Zulueta sa ilang larawang ini-upload ni Baguio-based lawyer Lauro Gacayansa sa Facebook.

Nakasuot ng puting striped polo shirt, maong, at tsinelas, makikita si Zulueta na nakaupo sa harap ng mesa ni Atty. Gacayan. Kasama rin sa larawan ang unidentified third person.

Sa phone call  nitong Biyernes ng gabi, kinumpirma ni Gacayan ang kanyang Facebook post.

Sinabi niya na kuha ang mga ito noong Martes sa kanyang law office sa Baguio City nang pormal siyang kunin ni Zulueta bilang kanyang lead counsel.

Sa Facebook post, nais ni Gacayan na tumugon sa mga ulat na nasa ibang bansa na ang kanyang kliyente, nagtatago, o posibleng patay na.

“My client is not in hiding, abroad, or already dead,” saad sa kanyang post.

Nauna nang inihayag ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation na nagtago si Zulueta has gone sa parehong araw na naghain ng murder complaints laban sa kanya at kay suspended BuCor chief Gerald Bantag at iba pang persons deprived of liberty mula sa BuCor.

Sinabi ni Gacayan na maaaring pinaniwala ang mga awtoridad na nagtatago si Zulueta wdahil mayroong Igorot expression na “Matago Tago ka” na nangangahuluhang “Have a long life!,” isang standard greeting sa Baguio City, na maaaring napagkamalan bilang Tagalog word na “magtago.”

Katulad ito ng paliwanag ni Bantag na hindi siya nagtago.

Nilinaw din ni Gacayan ang aktuwal na lokasyon kung saan kinuhanan ang mga larawan.

Sinabi niya sa kanyang Facebook post na kuha ito sa isa pa niyang law office sa Pennsylvania St, San Fernando, La Union, at hindi sa Pennsylvania St., San Francisco, California. 

Aniya, nagbibiro lamang siya ukol sa mga ulat na nagtago na sa ibang bansa ang kanyang kliyente.

Sinabi niya na noong November 28,nag-post siya ng dalawang larawan kasama si Bantag sa parehong lokasyon– sa kanyang Baguio office. 

Nakasuot si Bantag ng gray long-sleeved shirt, itim na pantalon at rubber shoes at nakaupo sa eksaktong pwesti ni Zulueta.

Subalit, sinabi ni Gacayan hindi pa siya maaaring magbigay ng pahayag ukol sa mga alegasyon laban sa kanyang kliyente at magpapaunlak lamang ng panayam ang kanyang kliyente kapag nakapagkasa na ng counter-affidavit.

Nahaharap si Zulueta sa consolidated murder complaints para sa apid-Villamor killings na ikinasa ng Department of Justice prosecutors. 

Sa nasabing reklamo, sina Zulueta at Bantag ang tinukoy na principals by inducement sa parehong pagpatay. RNT/SA